SASAKYAN | Presyo, tataas

Manila, Philippines – Inaasahan ng Department of Trade and Industry (DTI) na posibleng tumaas ang bentahan ng sasakyan pagdating ng 2025.

Ito ay sa kabila ng dagdag na buwis sa mga kotse sa ilalim ng Tax Reform For Acceleration and Inclusion o TRAIN bill na nakalusot na sa senado.

Paliwanag ni DTI Assistant Secretary Rafaelita Aldaba – kahit magmamahal ang mga sasakyan dahil sa isinusulong na tax reform package ng Duterte Administration, ang pagtapyas sa income tax ay makatutulong sa umangat ang demand sa sasakyan.


Ayon kay Aldaba – maaring makabenta ng halos isang milyong units ng kotse pagdating ng 2025.

Sa datos ng DTI, ang car sales nitong 2016 ay umabot ng 400,000 units at inaasahang tataas sa mga susunod pang taon.

Facebook Comments