Manila, Philippines – Mas naghigpit na ang Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) sa kanilang anti-doping program para sa mga national athletes.
Ayon kay POC President Ricky Vargas – nagkasundo na sila ni PSC Chairman William Ramirez na magsagawa ng malawakang education campaign.
Pangungunahan ito ni Filipino Orthopedic Surgeon at Sports Medicine Expert Dr. Raul Canlas.
Susunod sila sa guidelines ng World Anti-Doping Agency (WADA).
Ang hakbang ay kasunod ng pagpositibo ni rookie Kiefer Ravena sa tatlong banned substances ng wada mula sa ininom niyang pre-workout drink.
Facebook Comments