SASALANG? | SMB, bukas sa panawagan na sumabak sa Asian games

Manila, Philippines – Bukas sina Head Coach Leo Austria at ilang mga player nito na maglaro ang San Miguel Beer sa Asian games na gaganapin sa Palembang at Jakarta, Indonesia ngayong buwan.

Sabi ni Austria lalaban ang SMB sakaling mabigyan ng pagkakataon. pero aminado ito na kung ipapadala ang Beermen sa Asiad, kailangan nito ng reinforcement para makasikwat ng medalya.

Ayon naman kay Arwind Santos at Alex Cabagnot ibang karanasan ang makapaglaro sa Asian games dahil iba ang antas ng kompetisyon doon.


Pero paalala nina Austria at mga player nito wala sa mga kamay nila ang pinal na desisyon kung maglalaro nga ba ang beermen sa Asian games.

Facebook Comments