SASALI | Pilipinas, lalahok sa Rim of the Pacific Exercise

Manila, Philippines – Sasali ang Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon sa Rim of the Pacific o RIMPAC Exercise.

Ang RIMPAC ay ang pinakamalaking international maritime war games sa buong mundo na gaganapin sa Hawaii sa Hunyo.

Pangungunahan ng US Navy Pacific Fleet ang exercise kung saan sasanayin ang libu-libong tauhan mula sa dalawang dosenang kasaling bansa sa aspeto ng seamanship.


Ayon kay Philippine Navy Spokesperson, Captain Lued Lincuna, ide-deploy nila ang isang landing dock ship, isang frigate at ang Agusta Westland helicopter.

Pagpapakita aniya ito na may kakayahan na ang Pilipinas na magpadala ng barko at eroplano para makilahok sa malaking naval exercise sa mundo.

700 Pilipinong sailors at marines ang ipapadala sa RIMPAC.

Facebook Comments