SASALUBONG | Ika-2 linggong oil price hike, ipatutupad ngayong Linggo

Manila, Philippines – Sasalubong sa mga motorista ngayong Linggo ang panibagong dagdag singil sa presyo ng produktong petrolyo.

Tataas ng 40 hanggang 50 sentimo ang kada litro ng diesel.

Magmamahal naman ng 30 hanggang 40 sentimo kada litro ang gasolina.


Ang kerosene naman ay magtataas ng 60 hanggang 70 sentimo kada litro.

Ito ang ikalawang sunod na pagtaas ng presyo ng langis base sa paggalaw sa world market.

Facebook Comments