Manila, Philippines – Inilunsad ng Government Service Insurance System (GSIS) ang refinancing program na sasalo sa mga utang ng public school teachers sa private lenders.
Paliwanag ni GSIS General Manager Atty. Clint Aranas, layon ng ang GSIS Financial Assistance Loan (GFAL) na saluhin ang utang ng mga guro sa mga pribadong lending institutions basta at hindi lalagpas sa P500,000.
Aniya, nasa 11 porsiyento lang ang interes sa kanila kumpara sa 15-20 porsiyento sa mga lender.
Dahil ire-refinance ng GSIS ang lahat ng utang ng mga guro, una rin silang kakaltas sa suweldo na maaaring bayaran sa loob ng anim na taon.
Giit naman ni Aranas na dapat dumaan sa financial literacy seminars ang mga gurong sasali sa programa kung saan tuturuan sila kung papaano humawak o mag-manage ng pera.