Manila, Philippines – Nagkasa ng malakihang kilos protesta ang grupo ng mga guro sa a kuatro ng Oktubre.
Upang irehistro ang kanilang pagtutol sa sobra sobrang work load sa ilalim ng K12 program ng Department of Education.
Sa pulong balitaan sa QC, Sinabi ni Benjie Balbuena, Secretary General ng ACT na tatawagin nila ang pagkilos na Teachers Red October protest kasabay ng pagtatapos ng selebrasyon ng World Teachers Month.
Ayon kay Balbuena, lalahukan ito ng nasa labing isang libong mga guro mula sa labimpitong libong schools division.
Aniya sa sandaling walang magiging tugon ang mga kinauukulan sa kanilang mga demands,plano na nila na sabay sabay na magbakasyon o mass leave sa pagtuturo.
Sa ilalim ng Results-Based Performance Management System ng DepEd, minamanduhan ang mga guro na gumawa ng non teaching duties dahil sa kawalan ng education support personnel.
Hindi makapalag dito ang mga guro dahil kasama ito sa pag evaluate sa kanila sa quarterly observation.