SASAMPAHAN NG KASO? | Dating Pangulong Noynoy Aquino, posibleng may pananagutan sa pagbili ng anti-dengue vaccine – Senator JV Ejercito

Manila, Philippines – Naniniwala si Senador JV Ejercito na may pananagutan si dating pangulong Noynoy Aquino sa 3.5 billion pesos na halaga ng dengvaxia vaccine.

Paliwanag ni Ejercito, bigo si Aquino na gampanan ang kanyang command responsibility sa nangyaring procurement ng mga nasabing bakuna.

Ang mga dapat rin aniyang sisihin ang mga opisyal at kalihim na sangkot sa isyu.


Kinuwestyon din ni Ejercito kung bakit na minadali ang procurement ng dengue vaccine.

Dahil dito, posibleng mapabilang si Aquino sa mga sasampahan ng kasong graft.

Sina dating health secretary Janette Garin at dating budget secretary Florencio Abad ay maaring kasuhan ng technical malversation.

Facebook Comments