SASAMPOLAN | Blogger na si Drew Olivar – tutuluyang kasuhan ng kampo ng VP Robredo

193

Manila, Philippines – Tutuluyang sampolan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang kontrobersyal na blogger na si Drew Olivar.

Kaugnay ito ng hiwalay niyang blog post na puno ng mga paratang laban sa Bise Presidente.

Sa interview ng DZXL 558 kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo – aniya, hinihintay na lang nila ang rekomendasyon ng legal team para sa pagsasampa ng kaso laban kay Olivar.

Aniya, sobrang kabastusan na ang mga alegasyon ng blogger kaya titiyakin nilang mananagot ito sa batas.

Sa naturang blog post, binatikos ni Olivar ang dinaluhang Women’s conference ni Robredo sa South Africa noong 2017 at inakusahang ginamit ang pondo ng bayan para makapasok sa Kennedy School ang anak niyang si Aica.

Sagot naman ni Olivar – hindi niya uurungan ang kasong isasampa laban sa kanya.

Si Olivar ang sikat na blogger na sumasayaw ng malaswang steps sa “i-pederalismo dance challenge” post ni PCOO Asec. Mocha Uson.

Facebook Comments