SATELLITE LAUNCHING | North Korea, naghahanda na

North Korea – Maglulunsad muli ang North Korea ng satellite para sa kanilang space program.

Batay sa report, papangalanan ang satellite na Kwangmyongsong-5.

Mayroon itong camera at telecommunication devices sa orbit.


February 2016 nang ilunsad ang Pyongyang ang Kwangmyongsong-4 satellite.

Pangamba naman ng mga observer, maaring idinadahilan lamang ng NoKor ang satellite launching pero para talaga ito sa kanilang ballistic missile test.

Facebook Comments