Magiging operational na ang bagong bukas na Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Satellite Office sa Candon City Arena, Barangay Bagani Campo, Bypass Road, Candon City, Ilocos Sur.
Ito ay bahagi ng adhikaing pagpapaabot ng tulong, iba’t-ibang programa at serbisyo ng OWWA na mapapakinabangan ng mga residente rito, maging sa mga kalapit nitong lugar.
Mayroon ng apat na satellite office ang ahensya sa Ilocos Sur na matatagpuan sa Vigan City, at sa mga bayan ng Tagudin at San Ildefonso.
Samantala, maaaring i-avail ng mga Overseas Filipino Workers o OFWS sa lugar tulad ng mga sumusunod: Social benefit gaya ng disability, death, at burial assistance; Education at training assistance gaya ng scholarship para sa mga OFW dependent at short-term training program para sa mga OFW at kanilang dependent; Workers Welfare Assistance Program, Repatriation Program, at Reintegration Program at iba pa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨