Ipinabubuwag agad ni Senator Loren Legarda sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang satellite passport service centers na tinatawag ding Temporary Offsite Passport Services (TOPS) na matatagpuan sa mga mall.
Nababahala si Legarda na kung hindi maaayos na mapapangasiwaan ay posibleng maging banta ito sa national security dahil sa posibilidad na doon pumupunta ang mga dayuhan na kumukuha ng Philippine passport.
Napuna ng senador na mga contract of service o contractual ang mga tauhan sa TOPS at isa lang ang mula sa DFA.
Sinang-ayunan ito ni DFA Asec. Adelio Cruz na maaaring magdulot ng panganib ang TOPS sa pambansang seguridad kung hindi mapapangasiwaan ng maayos.
Tiniyak ni Cruz na papalitan na ng regular na consular offices ang natitirang anim na TOPS at sisimulan na ang phase out ng mga ito sa Setyembre hanggang Nobyembre.