SATELLITE REGISTRATION, ISASAGAWA NG COMELEC SA LUNGSOD NG CAUAYAN

Cauayan City – Nakatakdang magsagawa ng satellite registration ang Commission on Elections sa lungsod ng Cauayan sa susunod na buwan.

Sa inilabas na anunsyo ng COMELEC, magsisimula ang programa sa biyernes, unang araw ng Marso, 2024 sa barangay Villa Concepcion kung saan maaari ring pumunta ang mga residente mula sa Brgy. Santa Maria.

Sa ikalawang araw naman ng Marso naka schedule ang Brgy. Rogus at Villa Flor kung saan gaganapin ang Registration sa Brgy. Rogus. Ang Brgy. De Vera ay sa ika-walo ng Marso, ang Brgy. Maligaya at Disimuray ay sa ika-9 ng Marso na gaganapin sa Brgy. Maligaya, habang sa ika-13 ng Marso naman ay magbubukas rin ng registration sa SM City Cauayan.


Bukas rin ang registration sa barangay Baculod sa ika-15 ng Marso, habang sa ika-16 naman ay ang schedule ng Brgy. Dianao at Brgy. Buyon.

Ang aktibidad na ito ay bukas para sa mga hindi pa nakapagparehistro o nakapag-update ng kanilang marital status, at sa mga magpapaayos ng maling spelling ng pangalan o kaarawan.

Facebook Comments