Halos 3 buwan na lang ang nalalabi at matatapos na ang pagpaparehistro para sa Barangay at SK Elections na nakatakda sa Oktubre 23, 2017. Dahil diyan, tuloy tuloy ang satellite registration ng COMELEC para hindi na mahirapan ang mga botanteng magparehistro sa mismong COMELEC offices. Ang mga dapat magparehistro ay ang mga botanteng 18 years old pataas para sa barangay elections, habang 15 years old hanggang 17 naman ang para sa SK. Dapat ay naninirahan sa kanyang barangay 6 na buwan pataas. Kailangan lamang magdala ng ID, sagutan ang application form, at magpakuha ng biometrics. Dapat magparehistro ang mga bagong botante, ang mga hindi nakaboto sa dalawang nagdaang halalan, lumipat ng tirahan, napalitan ang pangalan dahil nag-asawa, o may correction sa pangalan. Ang kumpletong schedule ng satellite registration sa NCR ay nakaposte sa website ng COMELEC. Samantala, magtatapos sa April 2017 ang registration na nagsimula noong buwan ng Enero.
Satellite Registration Ng Comelec Para Sa Barangay At Sk Elections, Nagpapatuloy
Facebook Comments