Magsasagawa ang Commission on Elections ng satellite registrations sa mga paaralan at malls.
Ito ay kasabay ng pagbubukas ng voters registration sa Agosto a-uno hanggang Setyembre a-30.
Ayon sa COMELEC, nais nilang ilapit sa mga bagong magpapahehistro ang kanilang serbisyo.
Sabi ni COMELEC Election and Barangay Affairs Department Director Teopisto Elnas Jr., ang dalawang buwang voter registration ay bukas (open) para sa mga bagong botante (SK at regular voters), transfer ng registration at reactivation ng registration.
Inaasahang aabot sa dalawang milyong bagong botante ang magpaparehistro.
Facebook Comments