Satellite voter registration sa ilang mall, muling bubuksan sa Parañaque City

Inihayag ng Parañaque City government na bubuksan at balik-operasyon ang ilang satellite voter registration sa iba’t ibang mall sa Parañaque City.

Ayon sa Local Government Unit (LGU), palalawigin pa ng Commission on Election (Comelec) hanggang sa katapusan ng Oktubre ang panahon ng pagpaparehistro upang makaboto ang mga bagong botante sa 2022 nation at local elections.

Base sa inilabas na schedule ng Comelec sa Parañaque, ang Ayala Malls by the Bay ay bukas ngayon hanggang Oktubre 15 habang ang SM Sucat naman ay bukas naman sa Oktubre 18 hanggang 22 at ang SM Sucat ay bukas naman ng October 25 hanggang 30.


Paliwanag ng LGU ang mga residente ng District 1 lalong-lalo na ang Baclaran, La Huerta, Tambo, Vitalez, Don Galos, San Dionisio, Sto. Niño at San Isidro habang bukas naman ang SM Bicutan ay bukas din ngayon Oktubre 11 hanggang 15 at ang SM BF Parañaque ay bukas naman ng Oktubre 12 hanggang 22 at Oktubre 25 hanggang 30.

Para naman sa mga residente ng District 2 partikular na ang BF Homes, San Antonio, Moonwalk, Don Bosco, Merville, Sun Valley, San Martin De Porres at Marcelo Green.

Facebook Comments