SATELLITE VOTER’S REGISTRATION PARA SA 2026 BSKE, BUBUKSAN SA MANGALDAN

Ilulunsad ng Commission on Elections (COMELEC) ang dalawang araw na satellite voter’s registration sa Mangaldan mula Disyembre 4 hanggang 5, 2025, bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Nobyembre 2026.

Sa anunsyo ng lokal na pamahalaan, gaganapin ang offsite registration sa Cherished Moments School sa Barangay Bari sa Disyembre 4 at sa Santo Tomas Catholic School sa Barangay Poblacion sa Disyembre 5, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Tatanggap ang COMELEC ng aplikasyon para sa voter registration, kabilang ang reactivation, correction of entries, inclusion o reinstatement, transfer mula foreign post, at updating ng records ng PWDs, senior citizens, Indigenous Peoples, at iba pang vulnerable sectors.

Maaari namang magparehistro ang mga bagong botante na may edad 18 pataas para sa regular voters at 15 hanggang 17 taong gulang para sa Sangguniang Kabataan.

Facebook Comments