SATELLITE VOTERS REGISTRATION SA MGA BARANGAY, PATULOY NA UMAARANGKADA SA MANGALDAN

Bilang hakbang upang mas mapadali at mapalawak ang partisipasyon ng mamamayan sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), inilapit ng Commission on Elections (COMELEC) Mangaldan Office ang voter registration sa mga barangay ngayong Disyembre.

Sa naturang aktibidad, nakapagtala ang COMELEC ng 65 aplikasyon mula sa mga barangay ng Nibaliw at Alitaya, na kinabibilangan ng bagong botante, reactivation, transfer mula sa presinto patungo sa lokal, transfer mula sa iba o parehong lungsod o bayan, change of name, at correction of entries.

Ipagpapatuloy pa ang satellite voter registration sa iba pang barangay bilang bahagi ng adbokasiya na gawing mas accessible ang serbisyong panghalalan.

Samantala, muling iginiit ng COMELEC na hindi tinatanggap bilang valid identification ang cedula, barangay ID, barangay certificate, company ID, at police clearance.

Patuloy namang hinihikayat ang mga residente na samantalahin ang mga itinakdang araw ng satellite registration upang aktibong makilahok sa paparating na halalan.

Facebook Comments