Satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte, bumaba

Manila, Philippines – Bumaba ng labing walong puntos ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte, simula September 23 hanggang 27.

Base sa survey ng Social Weather Stations, positive (+) 48 na lang ngayon ang net satisfaction rating ng pangulo mula sa dating positive (+) 66.

Labing limang puntos naman ang ibinaba ng net trust rating ni Pangulong Duterte, na mula sa dating +75 o ‘excellent’ rating ay +60 o ‘very good’ rating na lamang ngayon.


Sa naturang survey, 73 percent ng mga Pilipino ang mayroong malaking tiwala sa pangulo, 12 percent ang mayroong maliit na tiwala habang 15 percent naman ang undecided.

At kahit na bumaba sa kabuuan ang net satisfaction rating ng pangulo, ay nananatili namang ‘excellent’ ang rating nito sa Mindanao na mayroong positive (+) 76 points.

Facebook Comments