Welcome para sa mga opisyal ng Kingdom of Saudi Arabia ang hiling ni Speaker Gloria Arroyo at ng iba pang Muslim Solon na mag-invest ang mga negosyante ng nasabing bansa sa Mindanao.
Naniniwala si Arroyo na magandang pagkakataon na mamuhunan sa Mindanao para makapagbukas ng maraming oportunidad sa mga residente doon lalo pa at nalalapit na rin ang pagpapatupad sa Bangsomoro Organic Law (BOL).
Ito rin ang nakikita ni Arroyo na isa sa mga matitibay na solusyon para sawatain at bigyang solusyon ang problema sa kahirapan at ugat ng terorismo sa Mindanao.
Ayon naman kay Saudi Arabia General Investment Authority (SAGIA) head Governor Engr. Ibrahim Al Omar, naghahanap din ang Saudi government ng ka-partner sa kanilang Halal food market na nasa $1.3 Trillion.
Tinukoy din ang Pilipinas bilang isa sa pinakamahalagang bansa sa Saudi Arabia dahil sa napakalaking kontribusyon ng mga Pinoy sa kanilang bansa.
Kabilang naman sa mga investments na nilalakad ng bansa sa Saudi ay Public-Private-Partnership para sa rebuilding ng mga ospital, pagpapalakas ng cacao industry, development ng Halal Economic Zone, pagpapalawak ng produksyon ng kape at seaweed industry sa Mindanao region.