Saudi Arabia government, babayaran ang halos 10,000 mga OFW na hindi napa-sweldo nang kanilang mga employer simula noong 2015 hanggang 2016

Babayaran na nang Saudi government ang halos 10,000 mga Overseas Filipino Worker (OFW) na hindi napa-sweldo ng kanilang employers matapos na mag-deklara nang pagkalugi ang kanilang mga construction companies noong 2015 hanggang 2016.

Ang pahayag na ito ay ginawa sa kakatapos lamang na bilateral meeting nina Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) at Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman na sidelines sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa Bangkok, Thailand.

Batay sa impormasyong ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga construction companies na nagdeklara ng bankruptcy ay ang Saudi OGer, MMG, The Bin Laden Group group at iba pang construction companies na hindi nagpa-sweldo sa mga OFW.


Ayon kay PBBM, nagbigay mismo ng assurance ang Saudi Arabia government na makukuha ng mga hindi napa-sweldong OFW ang kanilang sahod.

Habang nangako rin ang Saudi Arabia Labor Minister na hindi na mauulit pa ang pangyayaring ito sa mga Pilipinong nag-ta-trabaho sa Saudi Arabia.

Aabot sa ₱30 billion ang babayaran ng Saudi government sa mga Pinoy na hindi napa-sweldo sa Saudi Arabia noong 2015 hanggang taong 2016.

Facebook Comments