Bukas ang Saudi Arabia na makatulong ang Pilipinas sa iba’t ibang larangan.
Ito ang inihayag ni Saudi Ministry of Investment Minister Khalid Al-Falih sa roundtable meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang economic managers at mga negosyante rito sa Saudi.
Tinukoy ni Al-Falih na maaaring palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa finance, energy and petrochemicals, industry and logistics, real estate development, at maging sektor ng paggawa, agrikultura at turismo.
Ayon sa Saudi official, nakikita nila ang Pilipinas hindi lang bilang lumagong malaking kompanya kundi isang bansa na mabilis ang pag-unlad.
Naniniwala rin si Al-Falih na magiging tulay ang Pilipinas sa ASEAN region at sa buong Asya.
Umaasa naman ito na ikokonsidera rin ng Pilipinas ang Saudi Arabia bilang strategic entry point sa Middle East.