Tiniyak ng Saudi Arabia na maibabalik nila ang nawalang langis na aabot sa 5.7 million barrels per day sa katapusan ng Setyembre kasunod ng pag-atake sa kanilang oil facilities.
Ayon kay Energy Minister Prince Abdulaziz Bin Salman – marerekober nila ang supply ng langis dahil makakamit nila ang 11 million barrels per day na capacity sa katapusan ng buwan at 12 million sa katapusan ng Nobyembre.
Sisiguruhin din nila ang full oil supply sa lahat ng umaangkat sa kanila.
Samantala, naniniwala ang Estados Unidos na ang Iran ang may kagagawan ng pag-atake para itaas ang tensyon sa Middle East.
Mariing itinanggi ito ng Iran.
Facebook Comments