Saudi Arabia, tinutugunan na ang settlement sa paghahabol ng 14-K OFWs na hindi pa nabayaran noong pandemya – DMW

Binigyang diin ng Department of Migrant Workers o DMW na patuloy na tinutugunan ng gobyerno ang isyu ng hindi nababayarang sahod at iba pang paghahabol kaugnay ng may 14,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia noong panahon ng pandemya.

Ayon sa DMW, ang Royal Highness Crown Prince na si Mohammad Bin Salman ang gumawa ng settlement ng kanyang gobyerno sa mga claim na di nabayaran sa mga Filipino construction worker noong 2015 at 2016.

Batay aniya sa naging pagpupulong ng DMW, kay Ministry of Human Resource and Social Development, ang paglutas ng mga claim ay isang oras lamang, kailangan respetuhin ang proseso sa loob ng kaharian ng Saudi Arabia sa paghawak ng mga naturang claim.


Samantala, tiniyak naman nito na hindi sila magpabaya sa pangangalaga at pagtataguyod ng kapakanan ng mga OFW.

Facebook Comments