Aabot sa $3.2 million na humanitarian and financial aid ang idinonate ng gobyerno ng Saudi Arabia para sa rehabilitasyon ng Marawi City at COVID-19 response ng bansa.
Batay sa inilabas na pahayag ng Royal Embassy of Saudi Arabia, ang donasyon ay para rin matulungan na makabangon ang mga biktima ng Bagyong Odette nitong Disyembre 2021.
Kabilang sa donasyon ang medical at preventive equipment at supplies na nagkakahalaga ng $1.7 million.
Aabot naman sa $1.5 million ang ibinigay ng Saudi Arabia government sa Department of Health (DOH) para sa health facilities sa Marawi City.
2017 ng atakehin ng Maute Terrorists ang Marawi City na tumagal ng halos limang buwan bago sila natalo ng tropa ng pamahalaan kung saan nag-iwan ito ng libo-libong pamilyang nawalan ng tirahan.
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development, 95-percent ng rehabilitation work sa Marawi City ay inaasahan matatapos bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30.