SAVE BORACAY | DOT, tiniyak na maibabalik ang ganda ng Boracay

Manila, Philippines – Nangako ang Department of Tourism na magtutulung-tulungan ang mga concerned agencies upang maibalik ang tunay na ganda ng Boracay Island.

Ayon kay DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo na namumuno ng “Oplan Save Boracay (#saveboracay) sa ngayon kapit bisig ang Department of Environment & Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Governments (DILG), the Department of Justice (DOJ) at Department of Public Works and Highways (DPWH) upang ma-restore ang isa sa pinaka magandang isla sa buong mundo.

Maging ang ilang senador ay magtutungo sa Isla bilang parte ng kanilang Senate inquiry in aid of legislation nang sa gayon ay mahigpit na maipatupad ang tourism heritage law na magbibigay proteksyon sa Boracay.


Base sa ulat ng DOT Boracay monitoring division 60 establishments kabilang na ang ilang five-star resorts ang natuklasang nagtatapon ng untreated sewage water o maduming tubig sa baybaying dagat ng barangays Balabag, Manoc-Manoc at Yapac Malay, Aklan.

Wala mang ibinigay na deadline ang DOT pero target nilang tuluyang malinis ang isla at maipasara ang mga lumalabag na establishemento sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments