Nanawagan ang grupong Save Our Schools Network sa United Nation na imbestigahan na din nila ang ginagawang hakbang ng pamahalaan na pagtapak sa karapatang pantao ng mga Lumad o ang mga indigenous people sa Mindanao.
Isa sa mga Inihalimbawa ng grupo ang sapilitang pagpapasara sa mga paaralan kung saan umaabot na sa 80 ang kabuuang bilang simula ng maupo si Pangulong Rodrido Duterte noong 2016.
Iginiit nila na dapat nang manghimasok ang UN dahil tila wala naman ginagawa ang Kongreso para imbestigahan ito lalo na’t nitong nakaraan araw lamang ay nasa 55 paaralan ang ipinasara.
Ang mga nasabing eskwelahan ay inaaakusahan umano ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na puro panig sa mga rebelde ang itinuturo nito.
Muli nilang ipinaalala na parte ng karapatang pantao ang mag-aral at kung pipigilan daw ito ay parang binabalewa na din nila ang nasasaad sa batas kaya’t hiling nila na isama din daw sana ng UN Human Rights Council ang kanilang kaso kung matutuloy silang mag-imbestiga sa bansa.