SAWI | 15-anyos na lalaki, nahulog sa truck sa Taytay, Rizal, patay

Rizal – Dead on arrival ang 15-anyos na binatilyo matapos mahulog sa sinabitang truck sa Manila East Road, Barangay. San Juan, Taytay, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Rojie Anaen, residente ng Ilog Pugad sa nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ng Taytay traffic, pinagtripang sabitan ng biktima ang isang water delivery truck pero nakabitaw at tuluyan itong nahulog.


Agad na dinala sa Taytay Hospital ang biktima pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

Hawak naman na ng mga otoridad ang driver na si Val Anthony Capin at iginiit na wala siyang kasalanan sa nangyaring insidente.

Facebook Comments