SAWI | 2 magsasaka, patay matapos tamaan ng kidlat sa Brgy Bulawan Payao Zamboanga Sibugay

Patay ang dalawang magsasaka habang malalang sugatan ang isa pa matapos na tamaan ng kidlat sa Brgy Bulawan Payao Zamboanga Sibugay kagabi.

Ayon kay PNP Region 9 Spokesperson Police Chief Inspector Helen Galvez alas 6:30 ng gabi kagabi habang kinukuha ng mga magsasaka ang kanilang mga ginawang silungan sa palayan dahil sa tindi na lakas ng ulan ay biglang kumidlat

Sa kasamaang palad tinamaan ng kidlat ang dalawang magsasaka at agad na namatay na kinilalang sina Ranilp Navarro Sr 49 anyos at Michael Castillo 27 anyos, kapwa residente ng brgy Bulawan Payao Zamboanga Sibugay.


Habang malalang nasugatan ang isa pang magsasaka na kinilalang si Eric Labao Dela Cruz 22 anyos residente ng Brgy Nanan Payao Zamboanga Sibugay

Sa ngayon ginagamot ito sa Lancheta Hospital Imelda Zamboanga Sibugay.

Facebook Comments