SAWI | 2 patay sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City

Manila, Philippines – Patay ang dalawang suspek sa ikinasang buy bust operation sa Barangay 161, Libis Baesa, Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas ‘Alvin’ at ‘alyas ‘Jesus.

Nakipagkita ang mga suspek sa poseur buyer at nabilhan ng 500 pesos na halaga ng shabu.


Pero nang makatunog na pulis ang katransaksyon ay agad na nagpaputok ang mga suspek kaya’t gumanti na rin ng putok ang mga pulis.

Mga estudyante ang mga parokyano ng mga suspek at sangkot din sa pagnanakaw at shootout sa lungsod.

Narekober ang dalawang kalibre 38-baril, buy bust money at ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Facebook Comments