SAWI | 3 miyembro ng ASG patay, 7 sundalo sugatan matapos makasagupaan sa Patikul, Sulu

Sulu – Patay ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group habang sugatan ang pitong sundalo matapos na muling magkasagupa ang militar at nasa 70 miyembro ng ASG sa pamumuno ni sub-leaders Idang Susukan at Almujer Yadah sa Sitio Sangay, Brgy Buhanginan, Patikul, Sulu.

Ayon kay AFP Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana alas-6:15 ng umaga kanina nang maganap ang sagupaan habang nagsasagawa ng Security Operation ang militar.

Nasugatan sa ang pitong sundalo.


Agad na nagreinforced ang ibang unit ng militar sa mga napalabang mga sundalo.

Kinilala ang mga nasawing sundalo na sina alyas Moktar, alyas Julhadi at alyas Surayb na nasawi naman sa follow-up operation sa Sitio Sangay, Brgy Buhanginan, Patikul Sulu.

Tiniyak naman ni Sobejana na hindi titigil ang militar sa pagtugis sa ASG hanggat hindi naililigtas ang mga bihag.

Facebook Comments