SAWI | 9, kumpirmadong patay dahil sa pananalasa ng bagyong Rosita – NDRRMC

Manila, Philippines – Siyam na indibidwal ang kumpirmadong nasawi matapos na manalasa ang bagyong Rosita sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council O NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas.

Aniya 3 sa mga nasawi ay naitala sa Mountain Province, 4 Ifugao, isa Kalinga at isa rin Abra.


Sinabi ni Posadas na natabunan ang mga ito ng gumuhong lupa kaya namatay.

Kabilang din aniya sa syam na kumpirmadong nasawi ay ang tatlong natabunan ng lupa sa Natonin Mountain Province.

Habang ikinokonsidera naman missing ng NDRRMC ang 29 pang mga indibidwal na trap sa gumuhong gusali ng DPWH.

Facebook Comments