Patay on the spot ang siyam na mga kasapi ng Negros Federation of Sugar Workers (NFSW) matapos na pagbabarilin habang nakapahinga sa Hacienda Nene Park Firetree Barangay Bulanon Sagay City, Negros Occidental kagabi.
Nakilala ang mga nasawi na sina
1) Eglicerio Villegas Y Cambunga, 36 yo, res of Brgy Bulanon, Sagay City
2) Angelipe Arsenal Y dumaguit res of Brgy Bulanon, Sagay City
3) Pater res. of Brgy Plaridel
4) Dodong Laurencio res. Brgy Plaridel, Sagay City
5) Morena Mendoza (female) res. of Brgy Bulanon, Sagay City
6) Necnec Dumaguit (female)
7) Bingbing Bantigue res. Brgy Plaridel, Sagay City
8) Jomarie Ughayon Jr y Biatingo 17yo res. of Prk Cesco, Brgy Rafaela Barrera, Sagay City
9) Marchtel Sumicad y Alovera 17 yrs old res. of Prk Mahogany, Brgy Bulanon, sagay city.
Base sa report ng Sagay City Police Station na nakarating sa Kampo Krame, habang nakapahinga ang mga manggagawa ng Negros Federation of Sugar Workers na pagmamay ari ni Carmen Tolentino biglang dumating umano ang mahigit 40 hindi kilalang armadong kalalakihan at walang habas na pinauulanan sila ng ibat ibang klase ng bala ng baril habang nagpapahinga lamang sa tubuhan sa Hacienda Nene, Purok Firetree, Brgy. Bulanon, Sagay City, Negros Occidental.
Agad na nagtungo sa pinangyarihan ng malagim na insidente ang mga operatiba ng Sagay City Police Station sa pangunguna ni P/Chief Inspector Robert R. Mansueto kasama ang mga miyembro ng 62nd PNP-SAF Police Senior Inspector Lambayong upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.
Napag-alaman pa na ang tatlong mga biktima na sina alias MORENA, Necnec Dumaguit at alias Bingbing Bantigue ay sinunog ng mga armadong kalalakihan.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang a) Twelve (12) pcs fired cartridge case of 5.56 caliber;
- b) Seven (7) pcs FCC of .45 caliber;
- c) One (1) unit Home Made caliber 38 w/o serial number containing one (1) live cartridge of .38 caliber; and
- d) One (1) pc fired cartridge case of .38 caliber