SAWI | Anim patay, matapos tamaan ng kidlat sa Sipalay City, Negros Occidental

Negros Occidental – Patay ang anim na tao habang 17 naman ang nasugatan matapos tamaan ng kidlat sa sitio Baras-Barasan, Barangay Manlocajoc, Sipalay City, Negros Occidental.

Sa ulat, sumisilong sa ilalim ng truck sa lilim ng puno ng kahoy sa gitna ng tubuhan ang mga magkakamag-anak na biktima dahil sa umuulan kung saan dito na sila tinamaan ng kidlat.

Agad na dinala ang mga biktima sa city health office subalit idineklarang patay ang anim sa kanila samantalang ang mga sugatan ay kasalukuyang nasa Merceditas District Hospital.


Sa anim na mga namatay, lima dito ang mga bata na nasa edad na 12 hanggang 15 taong gulang at isang ginang.

Sa ngayon patuloy pa rin inaalam ang pangalan ng mga biktima.

Facebook Comments