SAWI | Aplikante ng PNP sa Sorsogon, patay sa pamamaril

Sorsogon – Patay ang isang aplikante sa pagkapulis nang pasukin sa bahay nito ng mga suspek at pagbabarilin sa Sitio Balading, Brgy. Sto. Domingo, Irosin, Sorsogon.

Kinilala ang biktima na si Anthony Gestiada na residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Police Chief Supt. Arnel Escobal Regional Director ng Bicol Regional Police Office, nasa loob ng kanilang bahay si Gestiada nang pasukin sila ng mga armadong kalalakihan.


Tinanong pa umano sa biktima kung siya ang Aplikante sa pagka Pulis, bago siya pinagbabaril.

Agad umanong tumakas ang mga suspek sakay ng isang van na walang Plaka.
Ang mga miyembro ng NPA ang itinuturong suspek sa krimen dahil ayaw nilang maging Pulis ang biktimang si Gestiada.

Facebook Comments