SAWI | Armadong lalaki, patay matapos sumugod sa compound Archbishop palace sa Cebu City

360

Cebu – Patay ang isang armadong lalaki matapos na sumugod sa compound ng Archbishop Palace sa Cebu City kaninang alas 11:00 ng tanghali.

Sa ulat ng Cebu City PNP napatay ng mga pulis ang suspek matapos na humingi ng tulong ang mga nakakita rito dahil may bitbit itong armas.

Sa pagresponde ng mga pulis, bumunot agad ang suspek ng baril pero naunahan sya ng mga pulis.

Sa ulat pa ng Cebu City PNP, bago ang nangyaring engkwentro ay hinahanap ng suspek si Cebu Archbishop Jose Palma.

Sa ngayon nanatili sa pinangyarihan ng sagupaan ang mga pulis.

Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments