SAWI | Babae, natagpuang patay sa loob ng kwarto ng isang inn sa Negros Occidental

Negros Occidental – Wala ng buhay ng matagpuan ang isang babae sa kwarto ng isang inn sa Barangay 2 sa Victorias City, Negros Occidental.

Sinasabing nakita ang hindi na pinangalanang 23 anyos na biktima sa loob ng C.R. kung saan nakahubad ito at nakabalot ng kumot.

Lumalabas sa imbestigasyon na pinatay ang biktima gamit ang isang panyo na ipinulupot sa leeg nito.


Nabatid pa na may nakasama itong lalaki bago nangyari ang krimen kaya at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments