SAWI | Babae, patay matapos pagbabarilin sa sariling bahay sa Caloocan City

Caloocan City – Dead on the spot ang isang 23-anyos na babae matapos pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Phase 9 Package 2 Bagong Silang, Caloocan City.

Kwento ni Jim Perez, 25 anyos, kinakasama ng biktimang si Gladys Gunabe, pinasok sila ng tatlong mga suspek at saka sila pinagbabaril.

Nakilala naman ni Jim ang isa sa mga ito na kapitbahay umano nila na si ‘Alyas Tony.


Si Alyas Tony ay minsan na nilang nakaaway dahil sa alagang kambing na palaging pumupunta sa kanilang bakuran at kinakain ang kanilang halaman.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng follow up operation ang Caloocan City Police sa nangyaring insidente.

Facebook Comments