SAWI | Bangkay ng isang matandang lalaki, natagpuan sa gilid ng isang gasolinahan sa Quezon City

Manila, Philippines – Bangkay na ng matagpuan ang isang matandang lalaki na may saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sa gilid ng isang gasolinahan sa Susano Road, Quezon City.

Nilalapa na ng mga daga ang bangkay ng biktimang si Eliseo Tuazon Samia, 69-anyos, taxi driver at naninirahan sa Barangay San Agustin, Novaliches.

Sinasabing nagpapatrol­ya ang mga tauhan ng Novaliches police station nang maispatan ang bangkay ng biktima sa nasabing lugar.


Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy kung sino ang suspek at kung ano ang motibo nito sa krimen.

Facebook Comments