SAWI | Barangay Councilor, patay sa pamamaril sa Lipa, Batangas

Batangas – Nasawi ang isang Barangay Councilor matapos pagbabarilin sa Lipa City, Batangas.

Hindi na umabot sa ospital ang biktimang si Romel Luancing, Konsehal ng Barangay Antipolo del Sur ng lungsod.

Sa ulat, nakikipag-usap lamang ang biktima sa kanyang kapwa Konsehal sa kahabaan ng kalsada nang siya ay tambangan ng riding-in-tandem.


Naganap ang insidente ng pamamaril sa hindi nalalayong oras ng pananambang din sa dating Bise Alkalde ng bayan ng Sto. Tomas na si Ferdinand Ramos.

Dahil dito, binuo na ng Batangas Police ang Oplan Iron Curtain para sa ikadarakip ng suspek.

Facebook Comments