SAWI | Binatilyo – patay sa sunog sa Quiapo, Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang binatilyo matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Alexander Leonel, 13-anyos.

Natagpuan ang katawan niya malapit sa pintuan ng kanilang bahay.


Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection – nagsimula ang sunod mag-a-ala una kaninang hapon sa inuupahang bahay ng isang mary moral.

Naabo rin sa sunog ang 15 barung-barong kung saan tinatayang nasa 45 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Umabot naman sa p50,000 ang halaga ng danyos sa sunog.

Inaalam pa ang pinagmulan ng apoy.

Facebook Comments