Patay ang Barangay Captain ng Brgy Panciano Majuyod Negros Oriental matapos na pagbabarilin ng mga miyemrbo ng New Peoples Army.
Kinilala ang biktima na si Mario Gonzalez residente ng Brgy Panciano Majuyod Negros Oriental.
Ayon kay Captain Allen Mark Tacorda, Civil Military Operation officer alas 11:45 ng tanghali kanina pinagbabaril ang biktima ng tatlong mga miyembro ng teroristang grupong NPA sa harap ng kanyang bahay.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang parte ng kanyang katawan dahilan nang kanyang pagkamatay.
Sa ngayon ay tinutugis na ng militar ang mga teroristang responsable sa pamamaril.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng militar una nang naging biktima ng pangongotong at pagnanakaw si Gonzalez ng mga NPA.
Buwan ng Pebrero ngayong taon ay pinasok at ninakawan ng mga NPA ang Brgy hall ng Brgy Panciano.
Sa impormasyon pa ng militar nagplanong bumaba na sa kanyang pwesto si Gonzalez pero dahil sa pakiusap ng kanyang mga consitueng ay hundi nito itinuloy ang pagalis sa posisyon bilang lider ng kanilang brgy.