SAWI | Buenavista, Bohol Mayor Ronald Tirol, patay sa pamamaril

Patay si Buenavista, Bohol Mayor Ronald Tirol matapos pagbabarilin sa isang cockpit arena bandang alas-3:00 Linggo ng hapon.

Dinala pa sa pagamutan si Tirol pero idineklara ring dead on arrival dahil sa natamong sugat sa ulo.

Ayon kay Chief Inspector Rolly Lauron ng Buenavista Police, hindi kasama ng alkalde ang kanyang mga bodyguard nang umatake ang hindi pa kilalang gunmen na nakatakas lulan ng motorsiklo.


Nabatid na minsan na ring may nagtangka sa buhay ng alkalde sa kanyang cockpit arena.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari.

Facebook Comments