SAWI | Canadian national, patay matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang bahay

Batangas City – Patay ang isang Canadian national matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Tingga Itaas, Batangas City.

Nakilala ang nasawi na si Barry Gamon habang sugatan din ang misis nito na si Luzviminda makaraang madaplisan ng bala sa binti.

Sa ulat, dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang siyang bumaril sa mga biktima na agad din tumakas matapos ang insidente.


Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek maging ang motibo ng mga ito sa krimen.

Facebook Comments