SAWI | Chairperson ng Hacienda Medina Farmworkers Association, patay sa pamamaril sa Negros Occidental

Negros Occidental – Patay matapos pagbabarilin ang isang lider ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) sa Hacienda Medina sa San Carlos City, Negros Occidental.

Nakilala ang biktima na si Julius Broce Barellano, 35-anyos, chairperson ng Hacienda Medina Farmworkers Association-NFSW.

Sa ulat, kakauwi lamang sa bahay ng biktima kasama ang live-in partner nito nang paulanin ng bala ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Barangay Rizal.


Nagawa pang makatakbo papasok sa loob ng bahay ang dalawa pero hinabol ng isa sa mga suspek ang biktima saka binaril ng malapitan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang ligtas naman ang kinakasama nito.

Facebook Comments