Batangas – Nasawi ang dalawang indibidwal matapos na pagbabarilin sa Barangay Manghinao Proper Bauan Batangas kaninang madaling araw.
Kinilala ang mga biktima na sina Estelita Salcedo Abante at Rizal Ambat Abante.
Sa ulat ni PNP Calabarzon Regional Director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar alas 4:30 ng mangyari ang pamamaril sa loob ng Villa Florentina Subdivision Barangay Manghinao.
Sakay aniya ng Mitsubishi L300 van ang mga biktima nang pagbabarilin nang hindi pa nakikilalang mga suspek.
Matapos ang pamamaril agad na tumakas ang mga suspek bitbit ang baril na ginamit sa krimen.
Isinugod pa sa Bauan Doctor General Hospital ang mga biktima pero hindi na umabot pa ng buhay.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen upang matukoy at maaresto ang mga suspek at malaman ang motibo sa pamamaslang.