SAWI | Dalawang lalaki, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis

Cainta, Rizal – Patay ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Ortigas Extension, Barangay Santo Domingo, Cainta, Rizal.

Ang nasabing riding in tandem ay may binaril na isang matador sa nabanggit na lugar kung saan namatay din ito habang ginagamot sa ospital.

Ayon kay Region 4 Director Police Chief Guillermo Eleazar nakalatag ang checkpoint ng Cainta police nang may marinig na putok ng baril.


Dito na nila nakita ang isang motorsiklo ng mga suspek na papatakas at nang kanilang parahin ay hindi sila huminto kaya at humantong sa habulan ang insidente.

Matapos magpaputok ng mga suspek napatay ang mga ito sa pagganti ng mga pulis.

Narekober sa crime scene ang isang .45 calibre at 9mm na baril na pagmamay ari ng mga suspek.
Sa ngayon hawak na ng mga otoridad ang pinaniniwalaang kasabwat ng mga suspek para malaman ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments