SAWI | Dalawang security guard, patay sa pamamaril sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang dalawang security guard sa pamamaril sa One Burgundy Plaza Condominium sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Hindi muna pinangalanan ang dalawang gwardya pero nag-ugat ang insidente sa management issues.

Sa pahayag ng abogado ng One Burgundy Condominium Association Inc. na si Atty. Leighton Siazon, noong Huwebes pa umano ang tensyon sa condominium dahil sa usapin ng board election ng homeowners.


Noong isang taon pa nagbangayan sa korte ang board members at ang realty developer.

Ayaw daw kasi sundin ng mga opisyal ng Burgundy Realty Corporation, ang real estate developer, ang court order na kumikilala sa mga dapat maupo sa board.

Nanalo ang board at iuupo na nga sana ulit ang mga ito sa board election sa Sabado.

Facebook Comments