SAWI | Drug suspek pinagbabaril sa Tondo Maynila, patay

Manila, Philippines – Patay ang isang driver matapos pagbabarilin sa loob ng bahay sa Perlas Street Barangay 75 Tondo Maynila.

Kinilala ang biktima na si Angelito Samonte na residente ng Tondo.

Posibleng gumagamit ng droga ang biktima ng pagbabarilin dahil nagkalat sa tabi niya ang mga drug paraphernalia at pakete ng hinihinalang shabu.


Ayon kay Police Chief Inspector Romeo Estabillo suspek sa pagpatay ang isang alyas Tonton na kasama ng biktima na pumasok sa loob ng bahay na pinaniniwalaang drug den.

Inaalam pa ang motibo sa pagpatay.

Facebook Comments