SAWI | Graduating student, patay sa pamamaril sa Sultan Kudarat

Sultan Kudarat – Patay ang isang graduating student matapos pagbabarilin sa Barangay Titulok Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Kinilala ang biktimang si Jestoni Jacinto, ng Sultan Kudarat State University Isulan campus, may kursong Bachelor of Science in Civil Engineering at residente ng Lambayong.

Ayon sa mga kasamahan sa boarding house ni Jacinto, hindi na nila ito ma-contact at hindi na rin ito nakauwi noong Biyernes.


Nakilala lamang ang biktima sa kanyang suot na jacket, helmet at gloves nang mangyari ang krimen.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan at motibo sa pagpatay kay Jacinto.

Facebook Comments